Journal of Higher Education Research Disciplines https://www.nmsc.edu.ph/ojs/index.php/jherd
The Journal of Higher Education Research Disciplines (J-HERD) is formerly the NMSCST Research Journal, a refereed scientific publication of Northwestern Mindanao State College of Science and Technology, Tangub City, Philippines. This journal is published semi-annually.

The Journal of Higher Education Research Disciplines publishes original research articles in Sciences, Social Sciences, Technology, Tourism, Agriculture, Teacher Education, and Language and Communication. The Journal is open to all researchers from various disciplines of different universities and research agencies worldwide. The publication is free of charge, but only quality papers are accepted.

View all Journals
en-US steve.embang@nmsc.edu.ph (Steve Embang) rulie.allanic@nmsc.edu.ph (Rulie Allanic) Tue, 13 Jan 2026 00:00:00 +0000 OJS 3.3.0.10 http://blogs.law.harvard.edu/tech/rss 60 Unapologetic Apology: Pagsusuri Sa Paraan, Pag-Ako, Pagtanggi, At Pagsunod Sa Kondisyon Ng Pagkalugod Ng Lengguwahe Ng Paghingi Ng Tawad Matapos Ang Walang-Habas Na Pagwasak Sa Relasyon https://www.nmsc.edu.ph/ojs/index.php/jherd/article/view/253
Sa panahon kung saan ang mga personal na iskandalo ng mga personalidad ay agad na nagiging panooring-publiko, ang pagkilos nang paghingi ng kapatawaran ay nabago tungo sa madiskarteng digital na paraan. Sumasalamin ang pananaliksik na ito sa mga masasalimoot na pragmatikong paghingi ng tawad na ipinahayag ng mga kilalang Pilipinong personalidad—kasunod nang walang-habas na pagkasira ng relasyong batid ng publiko. Gamit ang kuwalitatibong dulog sa pamamagitan ng tekstuwal na pagsusuri, inilapat ng papel na ito ang teorya ni Trosborg hinggil sa Estratehiya ng Paghingi ng Tawad, at Kondisyon sa
Pagkalugod ni Searle upang himayin kung paano ginamit ng mga personalidad ang wika upang ayusin ang nasirang reputasyon. Natuklasan ng pag-aaral ang magkakaibang ispektrum ng lingguwistikong maniobra: habang ang ilang personalidad ay tinanggap ang buong pananagutan at katapatan, ang iba ay gumamit ng mga estratehiya sa pagtatanggol, tulad
ng pagbibigay-katwiran at ‘di-direktang pag-ako sa responsibilidad, upang pagaanin ang bigat ng kanilang mga paglabag. Higit, nagkaroon ng kontekstuwalisasyon ang pananaliksik sa integrasyon ng mga Pilipinong konseptong pangkultura—kabilang ang hiya, pakikiramdam, at dangal—upang ipaliwanag kung bakit ang ilang estratehiya ay higit na tumutugon sa lokal na konteksto. Kinumpirma ng pagsusuri na bagaman ang paghingi ng tawad ay kadalasang nakatutugon sa mga praktikal na
kondisyon ng pagkalugod, nananatili pa rin itong paksang pinagtatalunan kung saan ang linya sa pagitan ng tunay na pagsisisi at kalkuladong pag-aayos ng imahe ay maituturing na manipis. Huli, ang pananaliksik na ito ay nag-aalok ng kritikal na balangkas para sa pag-unawa kung paano hinuhubog ng mga birtuwal na espasyo ang etika ng pananagutan, at ang wika ng pagtubos sa kontemporaryong midya sa Pilipinas.
James Bryan Verdejo Copyright (c) 2026 Journal of Higher Education Research Disciplines https://www.nmsc.edu.ph/ojs/index.php/jherd/article/view/253 Thu, 26 Feb 2026 00:00:00 +0000